Sinibak na sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde ang mga police intelligence officer na nagsiwalat ng impormasyon sa umano’y profiling ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers o ACT.
Kabilang sa mga ni-relieve ang mga hepe ng intelligence unit ng Manila Police District Station 3; Quezon City Police District-Station 6, Zambales Provincial Police.
Itinanggi naman ni Albayalde na mayroong kautusan na i-profile at i-monitor ang mga miyembro ng ACT sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Kung mayroon man anyang impormasyon ay hindi ito dapat isinisiwalat ng mga intelligence officer lalo’t kung magreresulta sa kaguluhan.
—-