Unti-unti nang pinupull-out ng Philippine National Police o PNP ang kanilang mga tauhang itinalagang magbantay sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.
Ayon kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, habang umaalis ng bansa ang mga delegado ng ASEAN, bumababa na rin ang threat level kaya binabawasan na rin nila ang mga nakabantay na pulis.
Pauuwiin na aniya nila ang mga dinagdag na pulis kahapon mula CALABARZON na haharap sana sa inasahan nilang malaking bulto ng mga raliyista.
Tiniyak naman ni Dela Rosa na hahayaan niyang mamasyal muna sa Maynila ang mga pulis na hinugot nila mula sa mlalayong probinsya bago pauwiin.
Mabibigyan din anya ng pagkilala ang ilang natatanging pulis na nagtrabaho ngayong ASEAN Summit.
—-