Gumulong na ang imbestigasyon ng Philippine National Police o PNP-Investigation Division sa mga pulis Makati na nagpahubad at nagpatuwad sa mga drug suspects.
Ayon kay PNP-National Capital Region Police Office Director Guillermo Eleazar, tinanggal na niya sa Makati ang apat na sangkot sa insidente at pinag-report sa headquarters ng PNP-NCRPO sa Bicutan.
Bagamat tumanggi si Eleazar na banggitin ang pangalan ng mga sangkot na pulis, isa anya rito ang hepe ng Drug Enforcement Unit na hindi kasama sa mga nakunan ng video.
Sinabi ni Eleazar na normal lamang ang ginagawang pagsaliksik sa katawan ng isang drug suspect subalit kailangang gawin ito, sa paraang hindi yumuyurak sa dignidad ng suspect.
Sa ngayon anya ay masusing imbestigasyon pa ang kailangang gawin dahil may impormasyon na December 2016 pa nakunan ang video.
Maliban dito, may iba pang anyang alibi ang mga sangkot na pulis na kailangang mabusisi.
(Ratsada Balita Interview)