Makikipag-ugnayan ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa CBCP o Catholic Bishop’s Conference of the Philippines.
Ito’y ayon kay Committee Chairman Senador Panfilo Lacson ay para sa ipadadalang imbitasyon sa mga pulis na sangkot umano sa mga kaso ng EJK’s o extra – judicial killings na nagpasaklolo sa simbahan.
Ayon kay Lacson, umaasa siyang magbibigay ang CBCP ng detalyadong impormasyon upang malaman nila kung sino sa mga nagpasaklolong pulis ang handang humarap sa pagdinig ng senado.
Aminado si Lacson na naintriga siya sa pagbubunyag ng CBCP kaya’t nais niyang malaman ang buong katotohanan sa alegasyon ng mga state sponsored killings.