Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga pulis na nakarerecover mula sa sakit na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration P/Ltg. Camilo Cascolan, nakapagtala ang pnp ng anim na bagong recoveries kaya’t umakyat nasa 49 ang kabuuang bilang nito.
Gayunman, nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 kaya’t umakyat na rin ang bilang nito sa 133.
Habang nasa kabuuang 153 ang bilang ng mga pulis na nasa ilalim ng kategoryang probable at suspected persons under investigation.
Samantala, sinabi ni Cascolan na nananatili naman sa apat ang bilang ng mga pulis na nasawi dulot ng sakit na dala ng COVID-19.