Umaabot na sa halos tatlong daan at limampung (350) mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa iligal na droga.
Batay ito sa datos ng PNP-IAS o Internal Affairs Service mula sa mga isinagawang random drug test at mga naaresto sa mga buy bust operations mula July 2016 hangggang Mayo 17 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, pinakamarami sa mga pulis na nagpositibo sa iligal na droga ay may ranggong PO1 na umaabot sa mahigit isang daan at sinundan ng PO2 at PO3.
Mahigit dalawang daan at pitumpu (270) naman mula sa kabuuang bilang mga nagpositibong pulis ang natanggal na sa serbisyo habang lima naman ang napatay sa mga anti-illegal drugs operations.
Samantala, naitala naman sa National Capital Region Police Office o NCRPO ang pinakamaraming pulis na gumagamit ng iligal na droga.
—-