Sibak lamang sa puwesto at hindi sa serbisyo ang mga pulis na naaktuhan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde na natutulog at nag-iinuman.
Nilinaw ito sa DWIZ ni Albayalde matapos ang isinagawa niyang ‘surprise inspection’ nitong mga nakalipas na magdamag sa mga estasyon ng pulisya sa Pasay, Makati, Caloocan at Quezon City.
Sinabi ni Albayalde na kaagad naman niyang pinalitan ang mga nasabing pulis partikular ang mga natutulog na opisyal.
Pinalitan po natin ng personnel coming from RPSB [Regional Public Safety Battalion] at saka ‘yung officer coming from Pasay din po.
Puwesto po ‘yun dahil ‘yung offense naman ‘yun ay hindi naman po dismissible from the service, like, pumapatak lang po na less serious offense ‘yun, so, passable from reprimand until hanggang more or less 15 days suspension.
Kaugnay nito, binalaan ni Albayalde ang mga pulis na gawin nang maayos ang kanilang trabaho at huwag matutulog habang naka-duty.
Sabi nga natin na sana nga na ‘yung iba pang pulis ay itigil na ‘yung ganung gawain dahil… kung ikaw sabi nga natin, ‘pag pang-gabi ka kailangan gising ka dahil ‘yan po ang duty mo, pang-gabi, pwede kang matulog ng umaga dahil ‘yun ang off mo, ‘pagka gabi ka kailangan nagpa-patrolya ka rin, nasa labas ka, at ginagawa mo rin kung ano ‘yung dapat ginagawa kagaya nung mga pang-umaga.