Ni–relieved na sa puwesto ang mga pulis na sinasabing sangkot sa pagpatay sa isang lalaking sinita dahil sa hindi nakasuot ng damit pantaas habang nakatambay sa Caloocan City.
Ayon kay National Capital Region Police Chief Director Oscar Albayade, ipinag – utos niya na kay Caloocan City Chief, Senior Superintendent Jemar Modequillo ang pag – reassign sa hepe ng Station 6 at pitong (7) iba pang tauhan nito sa headquarters.
Ito aniya ay upang makapagbigay daan sa imbestigasyon at posibleng pasasampa ng kaso sakaling makitaan ng iregularidad sa kanilang operasyon.
Kasabay nito iginiit ni Albayade na hindi niya sinisisi agad ang kanyang mga tauhan sa tuwing may nangyayaring mga insidente.
Paliwanag ni Albayalde, binibigyan niya lamang ng “benefit of the doubt” ang mga ito dahil posibleng bumaba ang morale ng mga pulis kung hinuhusgahan sila kapag nagsasagawa ng operasyon.
Matatandaang, napatay ang biktimang si Mario Balagtas ng Barangay 178, North Caloocan matapos umano makipagbarilan sa mga pulis na sumita sa kanya dahil sa pagtambay nang nakahubad sa kalsada.