Inatasan ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang lahat ng pulis na laging magdala ng baril kahit hindi sila nakasuot ng uniporme.
Ayon kay Dela Rosa , nakahanda dapat laging rumesponde ang mga pulis sa anumang krimen dahil kailangan ng publiko ang kanilang serbisyo 24 oras.
Paliwanag pa ng PNP Chief , hindi naman labag sa batas ang pagdadala ng pulis ng baril kahit naka-sibilyan basta dapat ito ay nakatago ng mabuti.
Gayunman, ibang usapan na anya kapag may umiiral na gun ban kung saan tanging mga naka-unipormeng pulis at sundalo lang ang pwedeng magdala ng armas.
-Jonathan Andal