Tila walang pinagkaiba sa kidnap for ransom gang ang mga pulis na nasa likod ng nabunyag na sikretong kulungan sa MPD Station 1 sa Tondo.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ito’y kung totoo man ang impormasyon na hinihingan ng malaking halaga ng pera ang pamilya ng nakakulong kapalit ng kalayaan ng mga iyon.
Giit ni Lacson, dapat tratuhing criminal syndicate ang mga pulis na sangkot sa umano’y lihim na kulungan na isa sa mga target na buwagin mismo ng PNP.
Isa aniya iyong panibagong hamon para sa liderato ng PNP ang nasabing usapin na dapat aniyang maagapan at agarang maaksyunan.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno