Nagpaalala si PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Colonel Jean Fajardo sa mga pulis na pinayagang umuwi sa bisperas ng bagong taon na mag-report sa pinakamalapit na himpilan ng pulis sa kanilang bahay.
Ayon kay Col. Fajardo, ito’y upang matiyak ang maximum deployment ng mga pulis sa bagong taon.
Bagama’t may umiiral na “No leave policy“, pinayagan ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. ang mga pulis na mag New Year break.
Ang nasabing break ay sa kondisyon na pwede lamang silang umuwi mula alas-singko ng hapon ng December 31 hanggang alas-singko ng umaga ng January 1.
Sa mga nabanggit na araw, inaasahang magre-report ang mga nag-avail ng break na pulis na makaresponde sila sa anumang tawag ng tungkulin. - sa panulat ni Raiza Dadia