Iniimbestigahan na ng PNP internal affairs service ang 83 pulis na posibleng sangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa.
Ayon kay IAS Deputy Inspector Gen. Chief Supt. Leo Angelo Leuterio, ang 83 ay ang mga ikinanta ng 30 nauna nang sumuko sa Camp Crame matapos masama sa Narcolist ng Pangulong Rodrigo Duterte.
sinabi ni Luterio na maliban sa imbestigasyon ay isasalang din ang naturang mga pulis sa lifestyle check.
By: Katrina Valle