Pumalo na sa 450 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay matapos makapagtala ng 10 bago kaso ng COVID-19 ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay.
Sa nabanggit na bilang, 271 ang nakarekober o gumaling na sa sakit habang nananatili naman sa pito ang bilang ng nasawi.
Sa pinakahuling datos ng PNP, nasa 695 ang kanilang probable COVID-19 case habang 884 ang suspected.