Nagbabala ang Philippine National Police sa mga tauhan nito na masasangkot sa moonlighting o pagbibigay ng private security sa mga tatakbo sa darating na midterm elections.
Binigyang-diin ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na mahigpit na ipinagbabawal ang nasabing gawain para sa mga pulis at posible aniyang masibak sa tungkulin ang sinumang mahuhuling pulis na gagawa nito.
Paliwanag ni General Marbil, nakalaan lamang ang mga security escort na aprubado ng commission on elections sa mga politikong may banta sa buhay.
Kaugnay nito, ibinabala rin ng Hepe na ang mga kasamahan ng mga pulis na magtatangkang protektahan ang mga tauhan ng pambansang pulisya na lalabag sa kautusan ay makakasuhan din. p Sa panulat ni John Riz Calata