Hahatulan na ng Philippine National Police sa Miyerkules, Marso 22 ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Korean Businessman na si Jee Ick Joo at iba pang mga kontrobersyal na kaso.
Ayon kay PNP Internal affairs Service Inspector-General Atty. Alfegar Triambulo, sabay-sabay nilang i-aanunsyo ang resolusyon ng mga nabanggit na kaso sa pamamagitan ng isang press conference.
Sa ngayon, lagda na lamang ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald “bato” Dela Rosa ang kailangan sa resolusyon sa kaso laban sa grupo nina Supt. Marvin Marcos.
Dagdag pa ni Triambulo, nangako sila sa senado na bago matapos ang Marso ay may desisyon na sa mga kontrobersyal na kasong hawak ng PNP-IAS na isinailalim sa Senate Investigation.
By: Drew Nacino