Inirerekomenda na ng PNP Internal Affairs Service na tanggalin sa pwesto ang 40 pulis na inginuso ng mga sumukong Narco Cops noon.
Ayon kay IAS Deputy Inspector General Police chief superintendent Leo Angelo Leuterio, ipinadala na nila ang pangalan ng mga ito sa directorate for personnel and records management para dis-armahan at ilipat sa personnel holding and admin unit.
Karamihan, aniya, sa mga ito ay mula sa Region Six, Seven, at Eight na kundi protektor o distributor ay tumatanggap ng payola sa mga sindikato ng droga.
Ayon pa kay Leuterio, isasalang pa rin nila sa interogasyon ang nasabing 40 pulis kaya’t hinihintay nyang magtungo ang mga ito sa kanyang opisina kung hindi ay ituturing silang AWOL.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal