Nanawagan ang Malakanyang sa mga pulis na sangkot sa ilegal na droga na kusang sumuko at huwag na dagdagan pa ang mga bilang ng mga nasawi.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mayroong P2-M reward money ang ibibigay sa mga makakapatay sa mga police scalawags.
Aniya, hindi ganung kadali ang paghuli at pagpatay sa isang tiwaling pulis dahil mayroon ding hawak na armas ang mga ito.
Samantala, iginiit ng kalihim na maituturing na tagumpay ang kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)