Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na mananagot ang mga pulis na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Galit na inihayag ng Pangulo na hindi niya palulusutin ang mga sangkot sa insidente at dadanasin din ng mga ito ng ginawa sa nasabing Koreano.
Kasabay nito, personal na humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa South Korea at tiniyak na mananagot ang mga salarin.
Babala ng Presidente, mas mabuting tumakas ang mga suspect na pulis sa kulungan dahil ipadadala niya ang ulo ng mga ito sa South Korea.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping