Sinibak na sa serbisyo ang mga pulis na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Ipinabatid ni PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald dela Rosa na kabilang sa mga tinanggal sa serbisyo sina Supt. Rafael Dumlao III na umano’y mastermind sa pagpatay kay Jee at sina SPO2 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas at Jerry Omlang.
Ayon kay Dela Rosa, alinsunod ito sa naging rekomendasyon ng IAS o Internal Affairs Service.
Matatandaang una nang inatasan ni Dela Rosa ang PNP-IAS na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkakasangkot ng apat (4) na pulis sa kaso ng negosyanteng Koreano.
By Meann Tanbio
Mga pulis na sangkot sa Jee Ick Joo case sinibak na sa serbisyo was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882