Pinasasampulan sa binubuhay na parusang kamatayan ang mga pulis na sangkot sa pagdukot at pagpaslang kay Korean executive Jee Ick-Joo.
Sinabi ni Ako Bicol Party List Representative Alfredo Garbin na ang mga nasabing pulis ang dapat unang patawan ng death penalty kapag naisabatas na ito.
Ayon kay Garbin bagamat tutol siya sa pagbuhay sa parusang kamatayan dapat masampulan ng parusang kamatayan ang mga pulis dahil sa karumal dumal na krimeng kinasasangkutan.
By: Judith Larino