Hindi pababayaan ng Philippine National Police ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ito’y matapos sabihin ng NBI na murder at hindi shootout ang pagkamatay ng alkalde sa loob ng kulungan matapos silbihan ng search warrant ng mga pulis sa pangunguna ni Supt. Marvin marcos
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, iginagalang niya ang findings ng NBI at hahayaan niya ang mga ito na sampahan ng kasong kriminal ang kanyang mga tauhan.
Pero, sinabi ni Dela Rosa na sakaling maglabas ng arrest warrant ang Korte laban sa grupo ni Marcos, hihilingin aniya niya na sa PNP Custodial Center na lang ikulong ang mga ito at huwag ihalo sa mga drug personalities sa kulungan.
Bukod dito, binanggit din ng PNP Chief na sakali ring ituloy ang kasong murder, hihilingin nila sa Korte na ibaba ito sa homicide para makapagpiyansa ang kanyang mga tauhan.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal