Mananatiling bukas ang Philippine National Police (PNP) sa anumang uri ng imbestigasyon sakaling kailanganin.
Ito’y matapos pormal na ireklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga tauhan ng Quezon City Police Disrict (QCPD) gayundin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay ng madugong misencounter sa harap ng isang mall sa Commonwealth Ave. noong Pebrero.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, all accounted ang mga nasasangkot na pulis at kanila itong ihaharap sa DOJ kapag ipinatawag.
Kasunod nyan, sinabi rin ng PNP Chief na may abiso na rin sa kaniya ang kanilang Internal Affairs Service (IAS) na malapit nang lumabas ang rekumendasyon nila sa mga naturang pulis sa hiwalay na kaso. —sa panulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)