Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na buo pa rin ang kaniyang tiwala kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Inihayag ito mismo ng Pangulo sa pagdiriwang ng ika-55 kaarawan ng PNP Chief sa Kampo Crame.
Ayon sa Pangulo, naniniwala siyang isa itong hamon sa liderato ni Bato bilang pinuno ng Pambansang Pulisya mula sa mga pulis na kinain na ng lumang sistema.
Matigas din ang pahayag ng Pangulo laban sa mga pulis na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Jee Ick Joo na mananagot sa batas at pagdurusahan ang kanilang ginawa.
Dumalo rin sa kaarawan ng PNP Chief si House Speaker Pantaleon Alvarez na unang nanawagan para sa pagbibitiw ng Heneral bilang pinuno ng Pambansang Pulisya.
By Jaymark Dagala