Sinibak na ang dalawang pulis na sangkot sa umano’y pambubugbog sa isang lalaki sa General Trias, Cavite nuong isang linggo.
Ayon kay General Trias Police Office Chief Lt/Col. Marlon Solero, ito’y upang mabigyan ng patas na imbestigasyon ang mga inirereklamong pulis na sina Cpl. Barte at Cpl. Villostas.
Itinanggi naman ni Cavite Provincial Police Office Director P/Col. Marlon Santos ang alegasyon laban sa dalawang pulis na itintuturong nanakit sa lalaking si Rommel Campo.
Magugunitang pinagtulungan umano si Campo matapos na tumakas ito sa mga humuhuli sa kaniyang barangay tanod dahil sa paglabag sa community quarantine.
Ayon kay Santos, mahigpit na sinusunod ng kaniyang mga tauhan ang bilin ni PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa na igalang pa rin ang karapatang pantao kapang sila’y nang-aaresto.
Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si Campo na nahaharap naman sa mga reklamong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act, disobedience to a person in authority, curfew, liquor ban at qualified trespass o dwelling.