Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pulis ng Jolo, Sulu Philippine National Police (PNP) na nakapatay sa apat na miyembro ng Philippine Army.
Murder at pagtatanim ng ebidensya ang mga kasong isinampa ng NBI sa pangunguna ni NBI Western Mindanao Regional Director Moises Tamayo laban sa syam na pulis ng Jolo, Sulu.
Kinilala ang mga kinasuhan na sina Police Senior Master Sgt. Abdelzhimar Padjiri, Police Master Sgt. Hanie Baddiri, Police Staff Sgt. Iskandar Susulan, Police Staff Sgt. Ernisar Sappal, Police Corporal Sulki Andaki, Patrolan Mohammad Nur Pasani, Police Staff Sgt. Almudzrin Hadjaruddin, Patrolman Alkajal Mandangan at Patrolman Rajiv Putalan.
Samantala, inirekomenda ng NBI ang paghahain ng reklamong neglect of duty laban kina Sulu Provincial Police Chief Col. Michael Bawayan, Jolo Police Chief Major Walter Annayo at Sulu Provincial Drugs Enforcement Unit Chief Captain Ariel Corcino.
Una rito, sa report ng NBI, lumalabas na isa sa apat na sundalo ang nakitaan ng walong tama ng bala, samantalang tig-tatlong gunshots naman sa dalawang iba pa.
Sa syam na pulis na kinasuhan, apat rito ang nag positibo sa paraffin test.