Lalagyan na ng Philippine National Police o PNP ng mga body camera ang mga tauhan nito na sasabak sa anti-drug operations sa oras na ibalik muli sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapangyarihan sa “war on drugs”.
Ito ayon kay PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ay para makita ng publiko ang tunay na mga nangyayari sa mga operasyon ng pulisya sa kabila ng mga batikos at pagdududa ng na hindi nanlalaban ang mga drug suspects.
Dagdag pa ni Dela Rosa, nakahanda na ang PNP na bumalik sa kampanya kontra droga ngunit hindi pa aniya sila nakakapag – usap ng Pangulong Duterte tungkol dito.
Inamin pa ni Dela Rosa na naging pagkakamali nila noon sa war on drugs ang sobrang panggigil sa trabaho at hindi agad pagtanggal sa mga police scalawags.