Pagbibitbitin ng mga bibliya at rosaryo ng EPD o Eastern Police District ang kanilang mga pulis na sasabak sa Oplan Tokhang at bibisita sa mga bahay ng mga drug pushers at users.
Ayon kay EPD Director Chief Supt. Reynaldo Biay, tiwala silang malaki ang maitutulong ng mga dalang Bibliya at Rosaryo ng mga pulis para mahikayat ang mga drug suspects na sumuko nang mapayapa.
Pina-alalahanan din ni Biay ang kanyang mga tauhan na idaan sa diplomasya ang pagharap sa mga drug pushers at users para maiwasang maging madugo ang kanilang mga operasyon.
Samantala, inihayag naman ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na aarmasan ng mga long firearms ang kasamang security ng mga Tokhangers na magbabahay-bahay.
Ayon kay Dela Rosa, pagtitiyak lamang ito sakaling maging bayolente ang mga target ng Oplan Tokhang pero iginiit na hindi pipilitin ang mga tatangging humarap na may-ari ng mga kinatok na bahay.