Bibigyan na ng camera at sasamahan na ng mga pari ang mga pulis na sasabak sa “Oplan Tokhang Part 2.”
Ito, ayon kay Pnp Chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, ay upang mabawasan ang karahasan ang pagpapatuloy ng anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration.
Hindi anya makatuwiran na batikusin ang oplan tokhang bilang madugong kampanya kontra droga kaya’t sa pagkakataong ito ay i-re-record na ang bawat ikakasang operasyon.
Gayunman, nilinaw ni General bato na walang pulis mula sa Philippine National Police headquarters o regional police office ang makikibahagi sa operasyon at tanging mga miyembro ng police community precinct ang mangunguna sa Oplan Tokhang part 2.
Layunin ng ikalawang bahagi ng Oplan Tokhang na i-rehabilitate ang mga hinihinalang drug user subalit nilinaw ni Dela Rosa na hindi naman pipilitin ang mga ito na magpa-rehab.
By Drew Nacino