Ipinapa-recall na ni PNP Chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang lahat ng pulis na naka-assign bilang security detail sa mga V.I.P.
Kasunod ito ng pagkakasakote kay PO3 Walter Vidad, na nagsisilbing security escort ng drug suspect na si Diana Uy na nakuhanan ng 10 Million Pesos na halaga ng shabu noong Lunes.
Ito, ayon kay Dela Rosa, ay upang maberipika muna na hindi mga drug lord o kriminal ang binibigyan ng proteksyon ng P.S.P.G.
Inihayag naman ni PSPG Director, Chief Supt. Joel Crisostomo de Leon Garcia na “by batch” ang gagawin nilang pag-recall sa may 400 pulis na naka-assign sa private VIP at 300 naman sa government VIP.