Binalaan ng PNP o Philippine National Police ang mga pulis na sumusuway sa war on drugs ng Duterte administration.
Ipinabatid ni PNP Deputy Director for Administration Chief Supt. Ramon Apolinario na inutusan sila ng Pangulong Rodrigo Duterte na hanapan ng trabaho sa labas ng bansa ang mga pulis na hindi sumusuporta sa anti-illegal drugs campaign.
Sinabi ni Apolinario na matutukoy ang mga hindi nagta-trabahong pulis sa mahigpit na monitoring sa accomplishments ng mga chief of police sa kanilang anti-drug operations.
Mas mabuting sa labas ng bansa na lamang mag trabaho ang mga pasaway na pulis kaysa magsilbing pabigat sa kampanya ng PNP kontra iligal na droga.
By Judith Larino