Nakapagtala ng 49 na bagong recoveries sa COVID-19 ang hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang dahilan ayon sa PNP health service kaya’t umakyat na sa 6,318 ang kabuuang bilang ng mga pulis na gumaling mula sa nasabing virus.
Gayunman, papalo na sa 7,000 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa PNP matapos makapagtala ito ng 28 bagong kaso kaya’t umakyat na ito sa 6,955.
Mula sa nasabing bilang, 615 ang total active cases habang nananatili naman ngayon sa 22 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.