Hindi raw umano dapat na mag-alinlangan ang mga pulis sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin sa harap ng napipintong pagpuna at panghihimasok ng Commission on Human rights.
Binigyang-diin ni PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa na hindi naman ang Commission on Human Rights ang sasagot sa pagkain, pagpapaaral sa mga bata, at iba pang pangangailangan ng pamilya ng pulis kung maunahan ito ng mga nakaengkwetrong kriminal.
Ang nararapat aniyang isipin ng mga pulis na sasabak sa mga operasyon, tiyak na mananatili silang buhay alang-alang sa kanilang mga pamiya.
Ayon pa kay Dela Rosa, hindi dapat maging pigil ang galaw ng mga pulis laban sa mga kriminal dahil lamang sa posibilidad na mabatikos at makasuhan ng Commission on Human Rights.
Saka na lamang aniya nilang harapin ang mga asuntong isasampa sa kanila.
By: Avee Devierte