Nanawagan sa publiko si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na isumbong sa kanila ang mga pulis o local officials na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga.
Sa isang event sa Camp Crame, sinabi ni Abalos na mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pagsugpo sa mga ilegal na gawain sa mga komunidad.
Nilinaw naman ni Abalos na kaya pinagre-resign nila ang mga kernel at heneral sa Philippine National Police (PNP) ay dahil napaka-kritikal ng mga posisyong hawak nila sa organisasyon.
Bukod dito, sinabi rin ng DILG Chief na gagapang ang ginagawa nilang imbestigasyon hanggang sa iba pang mga pulis na may mababang ranggo bilang bahagi ng internal cleansing process ng PNP.