Natanggap na ng mga pulis ang kanilang bonus at cash gift para sa taong 2017.
Ang yearend bonus ay katumbas ng isang buwan nilang sahod habang ang cash gift ay 5000 na galing sa national government.
Ayon sa ulat, nasa kabuuang 4.4 Billion Pesos ang inilaan para sa mahigit 191,000 uniformed at non uniformed personnel na aktibo pa ring nagtatrabaho sa PNP.
Samantala, ang mga pulis na may pending na kasong administratibo at kriminal ay hindi muna makukuha ang kanilang bonus bilang disciplinary policy ng PNP.