Tiniyak ng National Capital Region Police Office o NCRPO na dadalo pa rin sa mga pagdinig ng korte sa Metro Manila ang kanilang mga tauhan na ipinatapon sa Mindanao
Ito ang tugon ni NCRPO Director c/Supt. Oscar Albayalde sa pangambang maibasura lamang ang mga kasong isinampa ng kaniyang mga tauhan laban sa mga drug suspect dahil sa teknikalidad o hindi pagsipot ng mga ito
Aniya, hindi katanggap-tanggap na rason para sa kaniya ang rason na re-assignment ng mga pulis para hindi sila makadalo sa mga pagdinig
Maaari namang humingi ng financial assistance o transportation allowance ang mga naturang pulis mula sa kanilang commanders sa Mindanao upang makarating sa Metro Manila at humarap sa korte
Nakiusap na rin si Albayalde sa mga korte na mag-adjust sa iskedyul ng kanilang pagdinig upang makadalo ang mga pulis na magmumula pa sa mindanao
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco