Gagamit na ng body camera ang mga pulis ng Pasig City sa kanilang mga operasyon.
Ipinabatid ito ni Eastern Police District Director Chief Supt. Romulo Sapitula ay para makaiwas ang mga pulis sa akusasyong pagpapabaya sa kanilang tungkulin.
Ang nasabing hakbang aniya ay pagsunod na rin sa direktiba ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa para ma document ang lahat ng mga kaganapa sa checkpoint operations, raid, surveillance operations, Oplan Sita o Oplan Galugad.
Sinabi ni Sapitula na magiging transparent na sa publiko ang kanilang mga operasyon sa pamamagitan ng naturang hakbang.
Inihayag ni Sapitula na sa 48 camera na binili ng Office of the Mayor tatlo ang ibinigay sa kada isa sa sampung police community precincts sa Pasig City samantalang ang iba ay ibibigay sa Special Reaction Unit at mga operatiba nito.
Dahil dito hinimok ni Sapitula ang Marikina, Mandaluyong at San City Police Chiefs na makipag ugnayan sa kani kanilang mga alkalde para makabili rin ng body cameras.