Nag-alok ng 200 Milyong Pisong pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga miyembro Ozamiz City PNP na kasabwat at sangkot sa iligal na gawain ng yumaong alkalde na si Reynaldo Parojinog Sr.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag makaraang mabunyag ang mass grave na ipinagawa ng pamilya Parojinog sa isang lugar sa Ozamiz City kung saan nahukay ang buto ng mga pinaniniwalaang ipinapatay umano ng alkalde
Sa ika-116 na anibersaryo ng police service ng PNP sa Kampo Crame kahapon, sinabi ng Pangulo na kaniyang ibibigay ang nasabing pabuya buhay man o patay ang mga sangkot na pulis
Una rito, nakarating sa Pangulo ang impormasyon na marami pa rin umanong galamay ang alkalde kahit napatay na ito kabilang na ang ilang pulis
Nagpahiwatig din ang Pangulo ng kaniyang pagbisita sa Ozamiz City ngunit hindi na niya idinetalye pa kung kailan niya ito gagawin