Sinibak na sa puwesto ang mga pulis na nanguna sa anti-drug operation sa Caloocan City na ikinasawi ng isang 17-taong gulang na lalaki.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, pagpapaliwanagin niya ang mga pulis na sangkot sa operasyon kasama na ang hepe ng istasyon.
Bukod dito inatasan na rin aniya ang Regional Investigation Division ng PNP-Internal Affairs Service na magsagawa ng patas na imbestigasyon kaugnay sa nasabing insidente.
Sakaling mapatunayang nagkaroon ng paglabag ang mga nasabing pulis ay mahaharap ang mga ito sa kaukulang parusa.
Witness
Lumutang ang isang testigo kaugnay sa pagkakapatay kay Kian Lloyd delos Santos sa isinagawang drug raid ng mga pulis sa Caloocan City.
Kuwento ng saksi na itinago sa pangalang “Bog”, nakita niya na nagmakaawa si Kian sa dalawang naka-sibilyang lalaki pagkatapos ay nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril.
Tumakbo papalayo si “Bok” dahil umano sa takot ngunit nakita siya at tinawag ng dalawang lalaki.
Positibong kinilala ng testigo ang dalawang lalaki sa nakuhang sa CCTV footage habang buhat-buhat si Kian bago ito pinatay.
By Arianne Palma