Pinagana na ng Police Regional Office 8 o Eastern Visayas PNP ang kanilang Disaster Incident Management Task Force mula sa Rehiyon pababa sa mga Bayan at Lungsod sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay Eastern Visayas PNP Regional Director P/BGen. Rommel Cabagnot, trabaho nito na makipag-ugnayan sa lahat ng Regional Operations Division at Local Disaster Risk Reduction and Management Councils para rumesponde sa anumang pangangailangan.
Aabot sa 1,581 na mga pulis ang ipinakalat para sa Search, Rescue and Retrival Operations katuwang ang may 666 na bumubuo ng Reactionary Standby Support Force.
Sa CARAGA Region naman, ipinag-utos na rin ng Regional Director nitong si P/BGen. Romeo Caramat Jr ang paggana ng Disaster Operations Center na bahag ing kanilang Oplan Saklolo.
Nakahanda na rin ang kanilang mga tauhan para sa Search and Rescue gayundin ang pamamahagi ng logistical assets para sa pagkakasa ng pre-emptive evacuation sa mga apektado ng kalamidad.
Mahigpit din aniya nilang binabantayan ang mga tinatawag na flood prone areas habang patuloy ang kanilang paalala sa kanilang nasasakupan na maging mapagmatyag sa gitna ng masungit na panahon. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)