Inalerto ng PNP ang mga tauhan nito sa hilagang Luzon dulot ng bagyong Kiko.
Ito ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ay habang hinihintay niya ang report ng mga pulis mula sa CALABARZON, Bicol at Eastern Visayas hinggil sa pinsalang dulot naman ng bagyong Jolina.
Sinabi ni Eleazar na kasasdo na ang dadalhin nilang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad at maipaayos ang mga himpilan ng pulisyang napinsala rin ng bagyo.
Binilinan din ni Eleazar ang mga pulis sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Kiko na patuloy na makipag-ugnayan sa kanilang lokalidad para maikasa agad ang mga tauhan at kagamitan partikular sa mga operasyong may kinalaman sa kalamidad. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)