Sasalaing mabuti ang mga pulis na sasama sa operasyon ng Oplan Tokhang.
Inihayag ito sa DWIZ ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueno makaraang ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang anti-illegal drugs campaign.
Idinagdag pa ni Sueno na tumaas din kasi ng hanggang dalawampung (20) porsyento ang bentahan ng iligal na droga.
“Yan ang estimate na bumabalik na galing din sa mga provinces, yan ang sabi ng local executives natin, dahil wala nang nagbabantay.”
Bagamat nariyan naman ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ng kalihim na mas mainam kung ang mga pulis ang mangunguna sa Oplan Tokhang.
“Meron talagang clamor kasi ang PDEA although sila pa rin ang may role pero kokonti lang sila, may ilang munisipyo na wala, although marami tayong AFP, hindi pa natin nate-train talaga yung AFP personnel although magagaling din itong military men natin, pero gawain talaga ito ng pulis eh.” Pahayag ni Sueno.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita (Interview)