Posibleng hindi na alisin ang mga pulis na naka-deploy sa mga paaralan.
Ayon kay S/Supt. Bartolome Tobias, spokesman ng Philippine National Police, may naiiwan namang mga pulis sa mga eskwelahan kahit hindi pasukan subalit hindi kasing dami tuwing magbubukas muli ang klase.
Ito, aniya, ay upang magbigay seguridad sa mga estudyante at maiwasan ang iba’t ibang krimen kabilang ang pambu-bully.
Dagdag ni Tobias, otomatikong may itinatalagang mga pulis malapit sa mga paaralan upang matiyak din ang seguridad ng mga guro at mga school employee.
By Cris Barrientos / Drew Nacino