Hindi malayong ang mga tiwaling pulis na sangkot sa mga karumal-dumal na krimen ang unang masampulan ng death penalty kapag tuluyang nakalusot ito sa Kongreso.
Inihayag ito ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo sa harap na rin ng pagkakasangkot ng ilang tiwaling pulis sa krimen, partikular ang pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Ayon kay Panelo, hindi hahayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamayagpag ang mga police scalawag at ipapataw sa mga ito ang pinakamabigat na parusa ang parusang bitay.
Binigyang-diin pa ni Panelo na walang puwang sa lipunan ang mga kriminal kaya’t dapat lamang na ipataw ang buong puwersa ng batas sa mga abusadong pulis.
By: Mheann Tanbio / Aileen Taliping