Muling binatikos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pulitikong gumagamit sa mga mahihirap para sa kanilang kampanya sa eleksyon.
Tinukoy ni DSWD Secretary Dinky Soliman ang mga pulitiko na agad nagpakuha ng larawan habang namimigay ng bigas sa mga magsasaka na nag-aklas sa North Cotabato dahil sa di umano’y kawalan na ng makakain.
Ayon kay Soliman, buwan pa lamang ng Nobyembre ay nagsimula nang mamigay ng tulong ang DSWD sa mga magsasaka na apektado ng El Niño sa North Cotabato, South Cotabato at Sultan Kudarat.
Kaya naman anya nasorpresa sila nang biglang magkaroon ng rally ang mga magsasaka dahil di umano sa gutom.
Bahagi ng pahayag ni DSWD Secretary Dinky Soliman
By Len Aguirre | Ratsada Balita