Itinuturing ng Department of Interior and Local Government o DILG na matagumpay ang pagdaraos ng barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III, naging pagkalahatan namang naging maayos at mapayapa ang pagtatapos ng eleksyon kahapon.
“Sa lahat po ng aspeto ng pagpapatakbo ng halalan ay generally peaceful and in order naman po, pero hindi pa rin maiwasan na may mga isolated cases pa rin tayo ng panggugulo, reklamo ng pandaraya, vote buying, but on a general aspect, naging matagumpay ang naging pagpapatakbo natin ng barangay at SK elections.” Ani Densing
Samantala, desidido ang DILG na mapanagot ang mga pulitikong naki-alam sa nagdaang eleksyon.
Sinabi ni Densing na sasampahan ng kasong administratibo sa tanggapan ng Ombudsman ang mga lokal na opisyal na mapapatunayang namili ng boto at nangampanya para sa isang opisyal ng barangay.
Batay sa tala, nasa 100 kongresista, mahigit 1,000 local government officials at libu-libong barangay officials ang sangkot sa vote buying.
“Importante kasi documented dapat ‘yung pakikialam ng mga local na opisyales at isama mo na rin pati ang mga kongresista, I’m sure nakialam ‘yan sila pero ang tanong natin ay kung dokumentado pa ang pakikialam nila.” Pahayag ni Densing
(Ratsada Balita Interview)