Bawal sa PDP-Laban ang mga pulitikong kasama sa ‘drug list’ ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Ito ang inihayag ni PDP-Laban President Senator Koko Pimentel sa harap ng rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Commission on Elections na i-disqualify ang mga kandidato na nasa ‘narco-list’.
Pagtitiyak ni Pimentel, walang tatanggaping ‘narco-politician’ ang kanilang partido.
Sakali aniyang may makalusot o magkamali sila sa pagtanggap sa mga nasa ‘drug list’ ay merong mga komite ang partido na puwedeng mag-repaso at mag-reject sa membership application ng mga ito.
Puwede rin aniyang mapatalsik ang mga kandidato na mapatutunayang may paglabag sa patakaran ng kanilang partido.
PDP laban Pres Sen Koko Pimentel – “Bawal ang nasa drug list sa PDP! ” @dwiz882 pic.twitter.com/Eg4v0sOEWI
— cely bueno (@blcb) October 4, 2018
Una rito sinabi ng DILG na mayroong 93 local officials ang nasa ‘narco-list’ kung saan 58 dito ay mga alkalde.—AR
(Ulat ni Cely Bueno)