Dapat ng imbestigahan at kasuhan ng Philippine Drug Enforcement Agency bago mag-midterm elections sa taong 2019 ang mga pulitikong nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito, ayon kay Senate President Tito Sotto, ay upang hindi na muling makatakbo at manalo sa halalan ang mga pulitikong sangkot umano sa iligal na droga.
Inihayag naman ni Senador Chiz Escudero na kahit pa kasuhan ang mga nasa narco-list ay maaari pa ring kumandidato ang mga ito kung hindi pa pinal ang hatol ng korte.
Ang mahalaga anya para hindi pagdudahan ang mga papangalanan sa narco-list ay bigyan sila ng pagkakataon kung totoo o hindi ang akusasyon na sangkot sila sa illegal drugs trade.
Batay sa pdea report, siyamnapu’t tatlong elected government officials ang sangkot sa iligal na droga kabilang ang animnapu’t pitong alkalde at anim na kongresista.