Iminungkahi ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesman Atty. John Rex Laudiangco, kay Commissioner Marlon Casquejo na isulong sa Commission En Banc ang pagsasagawa ng random audit ng Vote-Counting Machines (VCMs) at secure digital (SD) cards na nagkaroon ng aberya noong Mayo 9.
Ayon kay Laudiangco, dapat maimbestigahan ang mga VCMs at SD cards upang malaman ang dahilan kung bakit nasira at hindi gumana sa mismong araw ng botohan.
Nabatid na nagkaroon din ng aberya sa mga connector, battery at AC plugs noong halalan dahilan para dumami ang mga natatanggap na reklamo ng COMELEC mula sa mga botante.
Ayon kay Laudiangco, layunin ng random audit na mas ma-improve pa ang mga gagamiting election paraphernalias para sa susunod pa na halalan.
Sa ngayon, hinihintay pa ang desisyon ng poll body ukol sa naturang mungkahi.