Kinasuhan na ng murder ang tatlo kataong sangkot sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Eduardo Dizon sa Kidapawan City.
Kabilang sa mga kinasuhan ng murder ng prosecutors office ng Kidapawan City ayon sa Presidential task force on media security sina Junell Jane Andagkit Poten alias Junell Gerozaga, Sotero Jacolbe, Jr. Alias Jun Jacolbe at Dante Encarnacion Tabusares alias Bong Encarnacion.
Pinagbatayan ng kaso ang mga pahayag ng maybahay ni Dizon na si Madonna, ang umano’y gunman na si Gerozaga at iba pang testigo.
Ayon kay prosecutor Mariam April Mastura-Linsangan hindi nila isinampa ang isa pang respondent na si Hilario Lapi Jr. sa mga kinasuhan dahil isinailalim na ito sa witness protection program ng DOJ.
Si Lapi ay respondent sa preliminary investigation dahil sa pagsisilbing lookout sa pagpaslang kay Dizon. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)