Pumalo na sa mahigit 9,000 ang nakakalap na lagda ng isang grupo para himukin ang Manila City government na habulin at papanagutin ang cultural youth group na Panday Sining sa pag-vandalize ng mga ito sa underpass sa Lagusnilad.
Batay sa petisyon ng Hands Off our Children Movement, dapat lamang anilang sampahan ng kaso ng Manila City government ang Panday Sining sa mga ginawa pagdurumi sa lungsod.
Ikinadismaya anila ng nakararaming Pilipino ang pangangatuwiran ng grupo na isang uri ng art protest ang kanilang ginawang bandalismo.
Dagdag ng Hands Off our Children Movement, patunay ang nakukuhang lagda ng kanilang inihaing petisyon na suportado ng malaking bilang ng mga Pilipino ang Manila City government at pagod na rin ang mga ito umano’y aktibismo ng Panday Sining.
Iginiit din sa petisyon na matagal nang nilalabag ng Panday Sining ang batas bago pa man nangyari ang insidente ng bandalismo sa Lagusnilad underpass.